Sunday, June 21, 2009

Ang Mundo sa Kiwanis..Isang Pagsulyap"

Sino Si Nanay Conching

Profile: Conching Romero
Age: 70
Bday: Dec 11, 1939
Address: Panaon , Unisan Quezon
Civil Status: Married
Number of Children: 4

Si nanay Conching ang Care taker ng mga Lola ng Kiwanis na nasa Immaculada, Iyam, Lucena City, Quezon Province. Bagong Part-time Clinical Instructor ako noon ng Calayan under ng Care Giving Department. Unang salang ko noon sa paghahandle ng mga studyante ng Batch 23. Isa, sa mga plano ko noon ay gumawa talaga ng dokumento na tatalakay sa kabuuang anyo na mayroon sa Kiwanis mula sa mga nagpasimula nito, sa mga hangarin at obligasyon nito, hanggang sa mga kabahagi at bumabahagi sa mga Lolang kumakalinga sa kanila.
Nakilala ko si Nanay Conching, kaya naman ng magsimula ng gumiri ang aking Cellphone na may Video ay sinimulan ko na ang pagtatanong sa kaniya. Dahil sa ilang maselang kwento na tumatalakay sa kaniyang buhay ay hindi ko na mula iyon ibabahagi muna sa inyo. Ang hangarin ko na lang muna ay maibahagi sa inyo kung ano nga ba ang nagdudugtong na rason o dahilan kung bakit sa kabila ng pagnanais ng mga anak ni nanay Conching na umalis na siya sa Kiwanis at ng magkasama sama na sila ng mga tunay niyang kapamilya ay inibig pa din niya na manatili sa Kiwanis.Sa Video ng tanungin ko kung ano ba ang ang luhang nais na pumatak sa mga mata ni Nanay Conching ay sinabi nyang " 'yung PAGMAMAHAL KO SA KANILA". Ilan lang sa masasabi ko sa'yo nanay Conching "Dakila ka po" kasi ang tunay na pagmamahal ay mahirap maibigay sa isang tao. Sa kabila ng hindi mo naman kaanu-ano ang mga Lola, nanatili ang iyong masidhing pag-aalaga at pag-aruga sa kanilang lahat. Ang Dios ang nakakakita at magbibigay ng biyaya para sa mga taong may tunay sa hangaring makatulong sa mga nangangailangan.


Sinu-sino nga ba ang mga LOLA na nasa Pangangalaga ng Kiwanis?

Sino si Lola Sion?

Profile: Consolascion Labarete
Age: 65
Bday: Dec. 4, 1934
Address: Tacloban Leyte

Background: "Gusto na nagsosolo lang"/"Tahimik, pero nagsasalita mag-isa"/"Ayaw maligo" (dahil sa ilang maseselang impormasyon sa kaniya, ninais kong hindi na lang ito ibahagi din sa inyo, bagama't napakahalagang impormasyon iyon sa kaniyang pagkatao, inaalagan ko pa rin ang pribadong karanasan ni Lola Sion)

Walang Imposible Kung may pagpupursige. Sabi nila hindi daw namin mapapaliguan si Lola Sion, Una dahil sa phobia na inabot nito. Ikawala, dahil paniniwalang meron din siya sa sarili. Isa si Lola Sion sa namimisinterpret ng lahat ng care-giver OJT's, pero ang totoo? Napakabait niya, masarap siyang kausap, marami kang matutunan sa kaniya. Kung mayroon mang kakaiba sa kaniyang sarili, iyon ay dahil na rin sa kaniyang mga nakaraang pinagdaan. Ang malawak na pang-unawa, at tunay na pagmamahal at pagkalinga ang kinakailangang mayroon ang sinumang health care provider na gagabay at titingin sa kaniya. "Mahal ka po namin Lola Sion. Mula sa CEFI family, Care Giving Batch 23,Kay Sir Marlon Macaraig, Mam Ramona Gata, sa akin, Jayson B. Santos , kay Vilma Rocamora na labis na nag-aruga sa iyo at sa ilang estudyante ng Bacth 23. Hanggang sa muling pagkikita Lola Sion.

Sino si Lola Pura?

Profile: Cora Pornasdoro
Age: 77
Bday: March 9, 1932
Address: Bokal, Pagbilao Quezon

Ilang Impormasyon sa kaniya: Dinala sya sa Kiwanis ng may Catarata, Palaging tumataas ang presyon. Malakas naman siya at magaling Kumanta.

Si Lola Pura ay tahimik na lola lang. Masarap siyang kausap lalo na kung makikipagsabayan ka sa kaniyang kumanta. April ng dalhin siya ng isang concerned na Kapitbahay niya sa Kiwanis. Doo'y napag-alaman na malabo ang kaniyang mata dahil na rin sa Katarata. Inabyad naman kaagad ito ng pamunuan ng mga taga-Kiwanis. Subalit isang mata lang ang naoperahan dahil na rin sa pagtaas baba ng kaniyang presyon. Hindi malilimutan ni Lola Pura ang nagdaan niyang Kaarawan kung saan surpresa naming hinandugan ito ng pahanda na may kasamang maliliit na lobo, cake, pansit palabok.

Sino si Lola Anacita

Profile: Anacita Estrada
Age: 85
Address: Pagbilao, Quezon

Ilang Impormasyon sa kanila: 2004 ng dalhin siya ng mga taga DSWD pagbilao, nakuha daw siya sa ilalim ng tulay. Dati na rin siyang may Catarata ayon sa balita walang kumukopkop sa kanya doon hanggang ngayon. Palagi niyang nasasambit ang pangalang "mama" at minsan naman ay "totoy".

Nang madala si Lola Anacita sa Kiwanis sa ilang araw ay ipinasuri ito sa Mt. Carmel Hindi naman pinayagan na maoperahan ang kaniyang mata dahil sa komplikasyon niya sa Baga. Kaya naman nilapatan muna ito ng mga karampatang gamot. Subalit naging balakid naman sa isasagawang operasyon ang kaniyang katandaan kaya't hindi na rin natuloy ang pagoopera sa kaniyang mga mata.

Sino kaya ang "mama" na palaging binabanggit ni Lola Anacita" Minsan ng kausapin ko muli siya napasagi ang kaniyang mukha sa gilid at kaniyang sinsabi" Totoy...huwag mo naman akong pabayaan" ng araw na iyon kinantahan ko siya at tinabihan upang makinig sa iba pa niyang hinaing na tanging siya din lamang ang nakakaalam ng mga tunay na pangyayari at nangyari sa kaniyang buhay.

Sino si Lola Simprosa

Profile: Simprosa Manalo
Age: 83
Address: Mayao Crossing, Lucena City

Ilang impormasyon sa kaniya: Mayroon siyang Mood Swings, bihira siyang magtiwala sa tao lalo na kung babae. Para sa iba isa siyang matapang, mahirap pakain dahil may "suspicous tendency siya sa pagkain ibibigay mo sa kaniya".

Ayon sa ilang impormasyon, sa unang buwan ni lola Simprosa ay napakatapang nito, bagama't wala siyang sakit , kung magaling kang bumasa sa isang tao ay iisipin mong bakit hindi ito masyadong nakikisalamuha sa mga babae. Gayon din naman sa lalake pero mas maraming pagkakataon noon na ayaw nito na mayroon siyang care-giver ojt na nag-aasikaso sa kanya. Natatandaan ko noon, nahihirapan ang ang mga istudyante ko na kunan siya ng vital sign, kaya naman sa huli tinawag na nila ako, at ng ako naman ang kumuha ng lahat ng vital signs niya na may kasamang kwento at heto't nakapag-interview pa ako sa kanya. Para sa akin malilim siguro ang sugat na pinagdaang karanasan ni Lola Simprosa. Okay naman siya, talagang mahabang pasenysa at pang-unawa ang kailangan sa taong maghahandle sa kaniya. At hangaring kung ipakita ng lahat ng mga hahawak sa kanya yon, bagama't it is a self calling ang tunay na pag-aaruga at pang-uunawa.

Sino si Lola Virgie?

Profile: Virgenia Flores
Age: 77
Address: Patnanungan Quezon

Ilang Impormasyon sa Kaniya: Malakas si Lola Virgie, medyo mahina hina na nga lang pandinig niya. Mayroon daw siyang dalawang anak.(Maselan din ang ilang personal na impormasyon ni Lola Virgie kaya't bilang paggalang sa kaniyang pribadong buhay hindi ko na ito ibabahagi muna sa inyo, ang masasabi ko lang masakit ang pinagdaanang buhay ng kaniyang mga anak, buhay niya kaya't tanging ang panahon na lamang ang hihilom upang mapunan ang kakulangang iyon)

Bilang Konklusyon, sa tuwing duduty ako sa Kiwanis hindi ko maalis ang aking kagalakan na muling makita at mapagsilbihan ko ang mga Lolang ito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sa tuwing makikita ko sila ay nararamdaman ko ang bigat sa dibdib sa mga napakaraming katanungan. Bagat alam kong inaalagaan naman sila ng care-taker dito at ng mga nasa likod ng Kiwanis Foundation Officers, ay hindi ko pa rin maaalis na...ano nga ba ang tunay nilang nararamdaman? anu nga ba talaga ang nais nilang makamtan? ang gusto nilang marinig...?

No comments:

Post a Comment