Saturday, June 20, 2009

"Anino sa tubig"(animbig)

I
Halina't ako'y inyong samahan
Tuklasin at suriin yaring ilalarawan
Ang bawat anggulo, bawat katangian
Ng maskara ng ating panahong kasalukuyan
II
Ihanda ang papel at mga panulat
Maging ang sarili upang kapuwa'y mamulat
Ito'y di sabi sabi ni isang alamat
Bagkus ay pangyayaring laman ng bawat ulat
III
Ating pasimulan ang bawat senaryo
Ng kaguluhan, kahirapan at pagsiphayo
Ng bawat bansa sa bawat panig ng mundo
Sa pagtanggap ng problema ng Bagong Milenyo
IV
Halos lahat ng bansa ay naalarma
Sa halaga ng langis doon sa Arabia
Na nagsisilbing balakid sa pag-angat ng Asya
At pagbagsak ng ekonomiya ng Europa't Amerika
V
Isabay parito ang palitan ng pananalapi
Na sa katayuan ng bansa'y pilit gumagapi
Ang bawat mamamayan, lubos na sa paghikbi
Sa pagtaas ng pangangailangan nitong isinukli
VI
Isama pa yaring mga kaguluhan
Na s'yang sumisira sa ating kapayapaan
Nawa'y lubos na maisip at mapag-unawaan
Na tayo'y isinilang, na walang armas na tangan
VII
Iba't-ibang epedemya'y lubos ng malawak
Dito'y may pagtatayo, doo'y may pagwasak
Noo'y may kasiyahan, kahapo'y may pag-iyak
Ngayo'y may saping tsinelas, bukas nama'y yapak
VIII
Kaya't hayaan ang katunungang ito...
Pulat't itim ba ang kulay ng mundo?
Pikit mata pa rin ba ang lakad ng tao?
At nagbabakasakaling marating niya'y paraiso
IX
Nawa'y huwag maging anino sa mundong hilig
Na sa baway galaw,sumasabay, kumakabig
Bakit di' matulad ng simbolo ng TUBIG,
Na sa buhay ng bawat isa'y nagpapalawig
X
Kaya't huwag maging anino sa sariling ibig
Ni magpadala sa sali't sabi ng bibig
Bagkus ay kumilos...sumulong at ng madinig
Ang mga taong may angking ANINO SA TUBIG

No comments:

Post a Comment